Muli na naman pinangunahan ng Alpha Phi Omega-San Carlos City Pangasinan Alumni Association noong Merkulis Octobre 7, 2025 sa Bolingit National High School-San Carlos City Pangasinan ang pagbibigay ng libreng gatas na RELIV NOW Milk na mula Reliv Kalogris Foundation sa pakikipag ugnayan ni Marlon Pantat De Guzman sa nasabing Charity Foundation .
Ang pagbibigay ng libreng gatas sa mga iba’t – ibang Skwelahan sa San Carlos City ay bahagi ng adhikain ng Alpha Phi Omega San Carlos City Pangasinan Alumni Association ( APO-SACIPAA ) na serbisyo sa mga batang mag-aaral bilang bahagi ng kanilang humanitarian service lalo na sa kumunidad ng San Carlos City.
Sa Bolingit National High School sa nasabing siyudad ay pinangunahan ito ni Teacher Rebecca A. Gabriel na isang membero ng Alpha Phi Omega o APO kasama ang mga teaching staff ng Bolingit National High School at pinamahagi ang nasabing libreng gatas sa mga natatanging benepisaryong mag aaral.
Ang pamimiya ay isinabay sa programang Career Guidance Program with the SPTA Officials- Teaching and Non-Teaching Staff kasama ang mga studyante at magulang ng nasabing Paaralan.