KORONADAL CITY – Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pamamasyal ng magpamilya sa Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato nang nag di kumagat ang brake ng sinasakyan nilang van at nahulog sa 20 metros ka lalim na bangin.
Binawian ng buhay ang isang 5 taong gulang na bata habang nagtamo naman ng bali,sugat at pasa ang walong iba pa.
Ito ang kinumpirma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Emil Sumagaysay sa ekslusibong panayam ng bombo Radyo koronadal.
Ayun kay Sumagaysay, pauwi na sana ang mga biktima sa siyudad ng Heneral Santos galing sa isang tourist distination sa bayan ng Tupi, South Cotabato at pagsapit sa nasabing lugar, hindi kumagat ang brake ng van na naging sanhi ng pagkahulog at pagulong-gulong sa malalim na bangin.
Agad nama na isinugod sa pagamutan sa Heneral Santos ang 6 na iban pa habang 2 naman ang nakalabas na dahil sa minor injuries na natamo ng mga ito
Dagdag pa ng opisyal, accident prone area ang lugar at nararapat na malagyan ng road signages at steel fences lalo na’t blind curve ang nasabing daanan.
Matatandaan na hindi ito ang una na vehicular accident na nangyari sa lugar.