Aabot sa 701 ang bilang ng health human resource o medical frontliners sa bansa ang naka-admit sa mga pagamutan dahil sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, binubuo ito ng 82 doktor, 251 na mga nurse, 1t 368 na iba pang hospital staff.
“Karamihan ng mga kaso ay mula sa National Capital Region at Region 7.”
Samantala, mas malaki pa ang bilang ng frontliners na naka-quarantine sa 5,922 na binubuo ng 2,507 na mga nurse at 820 na doktor. Mayroon ding 2,595 na iba pang staff ng ospital.
Bukod sa Metro Manila at Calabarzon, marami rin daw health care workers ang naka-quarantine sa Central Visayas.
“Majority ng mga ospital na ito ay designated as COVID-19 referral hospitals or LGU, and other government hospitals.
Sa huling tala ng DOH, 34 na health care workers na ang namatay dahil sa COVID-19.