-- Advertisements --

Nasa 57 katao ang inaresto ng mga kapulisan sa Caloocan dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine.

Sinabi ni Caloocan Police Chief Col. Dario Menor, pawang mga nakatambay sa kalsada sa Barangay 28, 35 at Bagong Bario ang mga naaresto.

Nakuhanan pa nila ang isang indibidwal ng hinihinalang marijuana.

Agad na dinala ang mga ito sa PNP station para sampahan ng karampatang kaso.