-- Advertisements --

Mahigit na naman sa 5,000 ang bagong nadagdag na mga dinapuan ng coronavirus sa Pilipinas.

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) na merong 5,651 ang mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabuuan ang mga tinamaan ng virus mula noong nakarang taon ay nasa 1,513,396 na.

Pero ayon sa DOH merong anim na mga laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang datos.

Sa kabilang dako meron namang mga aktibong kaso ngayon na nagpapagaling pa sa iba’t ibang panig ng bansa na nasa 47,561.

Samantala marami rin naman muli ang naitalang mga gumaling na nasa 5,332.

Ang mga nakarekober ngayon sa bansa ay umaabot na sa 1,439,049 o katumbas yan ng 95.1 percent.

Kaugnay nito nasa 72 ang mga bagong namatay bunsod pa rin ng deadly virus.

Ang death toll ngayon sa bansa ay umaabot na sa 26,786.

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 17, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng DOH statement.