-- Advertisements --

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to United States Jose Manuel Romualdez na halos 56 million COPID-19 vaccine doses na gawa ng American pharmaceutical companies ang inaasahang dadating sa Pilipinas sa buwan ng Mayo.

Sinabi ni Romualdez na ang mga COVID-19 vaccine doses na ito ay ipapadala sa Pilipinas sa tulong ng COVAX facility – ang global collaboration ng manufacturers at mga eksperto upang mapabilis ang development, produksyon, at pantay na access ng mga bansa sa COVID-19 tests, treatments at bakuna.

Simula pa aniya noong May 2020 ay nakikipag-ugnayan na ito sa mga pharmaceutical companies sa Amerika upang magkaroon kagaad ang bansa ng access sa mga COVID-19 vaccine supplies na naging matagumpay naman.

Pagbabahagi ni Romualdez na mayroon na itong nagawang kasunduan sa Novavax, Moderna, at Johnson & Johnson para sa 30 million doses, 20 million doses, at six million doses ng mga bakuna.

Kung maalala, ang COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNtech ang unang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration sa Pilipinas matapos mabatid na 92% hanggang 95% ang efficacy rate nito.

Sumunod na nabigyan ng EUA ang British firm na AstraZeneca dahil sa 70% efficacy rate nito.

Ayon kay Romualdez, nakikipag-ugnayan pa ito sa Pfizer kung maaaaring padaliin ang pagpapadala ng mga bakuna nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility.

Sa ngayon ay mayroon ng 17 million COVID-19 vaccine doses supply sa AstraZeneca ang pamahalaan ng Pilipinas.