-- Advertisements --

Mayroong 53 journalist at media worker ang nasawi na mula ng sumiklab ang labanan ng Israel sa Hamas militants noong Oktubre 7.

Ayon sa Committee to Protect Journalist (CPJ) na ang nasabing bilang ay kinabibilangan ng 46 Palestinians, apat na Israels at tatlong Lebanese.

Dagdag pa ng New-York based organization na ang pinakahuling nasawi ay dalawang journalists mula sa pro-Iranian Lebanese channel na Al Mayadeen na tinamaan ng missile strike ng Israel sa southern Lebanon.

Bukod sa mga nasawi ay mayroong 11 na journalists ang nasugatan at tatlong iba pa ang nawawala mula ng sumiklab ang kaguluhan.