-- Advertisements --

Iniulat ng health ministry ng Hamas-run territory na hindi bababa sa 52 katao ang nasawi sa ikinasang heavy air strike ng Israel sa Rafah sa southern Gaza.

Ayon sa Hamas government, 14 na kabahayan, at talong mosque ang tinamaan ng naturang pag-atake ng Israel sa Rafah.

Kung maaalala, una nang snabi ng Israeli Defense Forces na nagsagawa ito ng sunud-sunod na strikes sa terror targets sa nito sa Shaboura sa southern Gaza Strip.

Matatandaan ding noong Oktubre 7 ay ipinag-utos ni Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu sa kanyang hukbo na maghanda ng isang ground offensive sa Rafah, ang huling pangunahing sentro ng populasyon ng Gaza na hindi pa napasok ng mga tropa matapos ang pag-atake ng Hamas na nagpasiklab ng digmaan.