Pinagbigyan ng National Water Resources Board ang hiling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na water allocation na 50 cubic meters per second para sa susunod buwan.
Ito ay mas mataas kumpara sa normal na 48cms na alokasyon ng NWRB mula sa Angat-Ipo-La Mesa water system, ngunit mas mababa kumpara sa alokasyon ng tubig sa MWSS na 52cms mula sa Angat Dam ngayong buwan ng Hunyo.
Sa kabila nito ay nilinaw naman ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na kinakailangan pa ring subaybayan ang mga development dito, at nananatiling subject for adjustment pa rin ito kung kinakailangan.
Bagay na ipinagpasalamat pa rin naman ng pamunuan ng MWSS kasabay ng palawigan na ang kanilang naturang kahilingan para sa mas mababang alokasyon ng tubig ay alinsunod na rin sa inaasahang mataas rainfall activities sa mga watershed sa susunod na buwan.
Kung maaala, mula noong buwan ng Abril ay itinaas na ng NWRB ang alokasyon nito ng tubig para sa MWSS na mayroong concession deals sa Manila Water at Maynilad para magsilbi sa east at west zones ng Metro Manila at mga karatig probinsya nito.