ILOILO CITY – Itinuturing na biyaya at oportunidad ng dalawang Ilonggo artist na maging bahagi ng isang awitin na may kaugnayan sa kontribusyon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Sina Maestro Beny Fruto Castillon at Maestro Bimbo Alojado Muyuela ang nag-arrange ng tono ng lyrics ng kanta na sinulat ng lyricist na si Fr. Vicente Amplayo, OSA.
Ito ay pinamagatang “Called To Share” at orihinal na ginawa para sa ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng imahe ni Senior Santo Ni�o de Cebu.
Angnasabing awitin ay eksklusibong napakinggan sa Bombo Radyo Philippines kasabay ng misa ni Pope Francis sa Vatican para sa 500th year ng Kristiyanismo sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Muyuela, sinabi nito na ang lyrics na “we are gifted, gifted to give” ay tumutugma sa tema ng Christianity in the Philippines na “Gifted to Give.”
Umaasa si Muyuela na makapagbigay inspirasyon sa mga deboto saan mang panig ng mundo na magpasalamat sa Diyos dahil sa biyaya ng Kristiyanismo.
















