Kinumpirma ni Pentagon spokesman Jonathan Hoffman na dinala na ng U.S. Air Force ang nasa 500,000 coronavirus test swabs mula Italya patungong Memphis, Tennessee.
Isinakay ang mga ito gamit ang Air National Guard C-17 cargo plane. Lulan ng nasabing eroplano ang mga swabs na ginagamit para sa COVID-19 testing process.
Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye tungkol dito si Gen. Dave Goldfein, chief of staff ng Air Force.
Ngunit aniya, pinag-iisipan na nila kung paano makakatulong sa U.S. Department of Healt and Human Services kung sakaling humiling ito na tumulong sa palipat ng mga coronavirus-positive patients.
“There’s multiple parts to testing,” saad ni Air Force Brig. Gen. Dr. Paul Friedrichs, Joint Staff surgeon. “The first is the swabs that are used to collect the sample from the individual who’s being tested, then there’s a liquid that you put the swab into. That’s what composed what we brought over from Italy,”
Ang mga swabs na ito ay ginawa umano ng mga kumpanya mula Estados Unidos at ibang bansa.
Ayon pa kay Hoffman, 49 na miyembro ng U.S. military ang nagpositibo sa coronavirus kung saan pito sa mga ito ang active-duty Air Force members.