Nanumpa na si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero bilang presiding officer ng impeachment court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Isinagawa ang panunumpa ni Escudero matapos na pormal ng naghain ng mosyon si Senate minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na dapat mabuksan na ang impeachment trial dahil sa maraming delays.
Tinanggap din ng Senado ang motion ni Senator Joel Villanueva na ang mga lahat ng mga senador ay manunumpa bilang senator-judges sa impeachment trial dakong alas-4 ng hapon ng Hunyo 10 at sa Hunyo 11 ay magko-convene sila sa impeachment court.
Magugunitang naghain ang House of Representatives noong Pebrero 5 ng impeachment complaints laban kay Duterte dahil sa “high crimes” kabilang ang corruption at ang umanoy tangkang pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.