-- Advertisements --
Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na kaya hindi itinuloy ngayong 19th Congress ang impeachment niya dahil sa tinakot umano nito si Senate President Chiz Escudero.
Ayon sa Bise Presidente, kilala niya ang senador na isang matapang na mambabatas kaya imposibleng matakot ito sa kaniya para sa kaniyang impeachment.
May ilang mga dahilan maaari ang senado kaya hindi na agad nila tatalakayin ang impeachment laban sa kaniya.
Ganun pa man ay nakahanda aniya ang kaniyang legal counsel sakalingituloy ang impeachment laban sa kaniya.
Magugunitang ipinagpalibanng senate president ang impeachment dahil sa bitin na sila sa oras sa proeseso at paghahanda kaya mabuti na lamang sa susunod na 20th Congress na ito talakayin.