CAGAYAN DE ORO CITY – Sinimulan na ng City Health Office ng Cagayan de Oro ang profiling sa halos 500 miyembro ng The Word of God Spirit and Life Ministries Inc. matapos umanong lumabag sa mga panuntunan kaugnay ng laban ng bansa kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. Lorraine Nery, chief medical officer ng lungsod, katuwang nila ang pulisya sa paghahanap sa mga worshippers ng naturang simbahan na tumuloy pa rin sa kanilang pagtitipon noong Linggo.
Ito ay sa kabila ng umiiral na batas sa social distancing. Nilabag din daw kasi ng mga ito ang panuntunan sa ilalim ng Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.”
Aalamin daw ng tanggapan kung may mga kailangang ikonsidera na perso under monitoring mula sa nasabing bilang
Muli namang anawagan si Nery tungkol sa mahigpit na pagbabawal sa iba’t-ibang uri ng social gathering.
Nitong Lunes, nalagak ng piyansa ang founder ng simbahan na si Pastor Alfred Caslam, laban sa tatlong kasong kanyang kinasasangkutan.