ILOILO CITY – Sasampahan na ng kaso ang 50 pulis na natukoy na wala sa kanilang mga pwesto nang mag-inspeksyon ang hepe ng Iloilo Provincial Police Office kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Iloilo PNP director police Col. Roland Vilela na kasong abandonment of duty ang ihahain laban sa naturang mga pulis.

Hindi kumbinsido ang hepe sa dahilan ng mga pulis na naka-full alert status umano dahil sa transport strike noong Lunes.

Ikina-init din ng ulo ni Vilela ang tila palusot pa raw ng ilan na nag-sicke leave ang mga ito.

Posible umanong ma-dismiss sa serbisyo ang mga pulis kapag napatunayang nagsisinungaling ang mga ito kaugnay ng nakaraang inspeksyon.