-- Advertisements --

Nasa 50 katao ang nasawi sa ginawang air strike ng Myanmar military laban sa pinakamalaking ethnic insurgent groups.

Ayon kay Colonel Naw Bu, ang tagapagsalita ng Kachin Independence Army (KIA) na mayroon ding 100 ibang katao ang sugatan sa insidente.

Base sa mga nakakita ng insidente ay naghulog ng tatlong bomba ang isang eroplano sa Kansi Village.

Ikinagalit ng mga residente sa lugar dahil hindi sila nagbigay ng anumang warning bago gawin ang paghulog ng mga bomba.

Ang bahagi kasi ng Kachin State ay matagal ng pinag-aagawan ng military at Kachin insurgents dahil sa jade mines sa lugar.