Iminumungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na payagan ang 50% capacity para sa personal care services at dine-in services sa mga restaurants na tatanggap ng mga bakunado nang indibidwal sa last quarter ng kasalukuyang taon.
Ginawa ni Concepcion ang suhestiyon na ito dahil hindi aniya kikita ng malaki-laki ang mga establisiyemento kung mananatili sa 10% ang kanilang operation.
Sa ilalim ng Alert Level 4, papayagan na makapag-operate ang mga restaurants at iba pang kainan sa maximum na 30% ng kanilang venue o seating capacity anuman ang vaccination status ng kanilang customers.
Pero ang ang indoor dining o dine-in services ay papayagan lamang sa limitadong 10% venue o seating capacity na para lamang sa mga fully vaccinated na kontra COVID-19.