CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kasong rape ang limang mag-aaral na umano’y nanggahasa sa kanilang 23-anyos babaeng kaklase sa Southern Philippines College (SPC) sa Brgy. 23, Cagayan de Oro City.
Inihayag sa Bombo Radyo ni P/EMSgt. Ricky Bagas, officer-in-charge ng Macabalan Police Station, kabilang sa mga kinasuhan sina Jemboy Tonacao, 21; Junel Pabingwit, 24; Clint Caballero, 18; at ang isa pang nagtatago na kinilalang si Jason Veter.
Sinabi ni Bagas na narekober rin nila ang celphone na ginamit ni Caballero pagkuha ng video habang abala ang kasamahan nito ipasok ang kanilang mga daliri sa pribadong bahagi na katawan ng biktima.
Makikita umano sa video na hindi na makagalaw dahil iba ang humawak sa mga kamay at paa nito habang pinagkakatuwaan ang pambababoy nila sa biktima.
Magugunitang naimbitahan ang biktima ni Tonacao sa kanyang birthday subalit hindi inaasahan na pinagtulungan lamang ito ng mga suspek na gahasain.
Inamin ng mga suspek ang krimen subalit iginiit nila na mismong ang biktima raw ang nagbigay motibo kaya nahamon daw ang kanilang pagkalalaki.