Sugatan ang apat na katao matapos na sila ay pagsasaksakin habang isa ang pinagbabaril sa nangyaring kilos protesta sa Washington DC.

Nagtipon-tipon ang mga supporters ni US President Donald Trump na patuloy na naniniwala silang nagkaroon ng dayaan noong nakaraang halalan matapos na madeklarang panalo si Democratic presidentiable Joe Biden.

Ayon sa Washington State Police, agad nilang naaresto ang suspek sa nangyaring insidente na malapit sa capitol building sa Olympia.

Nagpapagaling na ang mga sugatang biktima sa iba’t-ibang pagamutan.