-- Advertisements --
Ikinagalit ng China ang pagkahulog ng artillery shells ng Myanmar.
Dahil kasi sa nasabing insidente ay lima ang nasugatang residente sa border nila ng China at Myanmar.
Ang mga artillery shells ay mula sa labanan ng military sa Myanmar at rebeldeng grupo.
Mula pa noong Oktubre 2023 ay sumiklab ang labanan ng militar at rebeldeng grupo sa Myanmar.
Kahit na namagitan na ang China sa kaguluhan ay hindi pa rin tumigil ang kaguluhan.
Muling nanawagan din ang China ng tigil putukan sa Myanmar dahil sa dami ng mga nadadamay na sibilyan.










