ILOILO CITY – Umaabot sa P15 million ang naitalang pinsala sa nangyaring sunog sa bodega ng Mandaue Foam sa Barangay Mali-ao, Pavia, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire Insp. Arnold Dimaano, Municipal Fire Marshall ng BFP Pavia, sinabi nito na nag-overheat ang dinamo sa bodega at mabilis na kumalat ang apoy sa lugar dahil sa mga nakaimbak na foam.

Naubusan din ng tubig ang tatlong nagrespondeng fire truck kaya hindi agad naapula ang apoy.

Samantala, dinala sa ospital ang tatlong empleyado ng Mandaue Foam matapos nagtamo ng sugat.

Sugatan din ang mga bombero na sina FO1 Stephen Solito at Fire Aid June Francis Camarines na napuruhan sa kanilang mga kamay habang tumutulong sa pag-apula ng sunog.

-- Advertisement --