-- Advertisements --

russia3

Kinumpirma ng Philippine Navy na limang naval vessels mula sa Russian Pacific Fleet ang dumating kahapon dito sa bansa, November 16,2021 para sa isang routine port call.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson CDR BENJO NEGRANZA na ang Russian Navy contigent ay binubuo ng Corvette Gremyashchiy, dalawang submarines, tanker Pechenga, at ang support vessel Alatau.

Sinabi ni Negranza bukod sa routine port call, na ang pagbisita ng limang Russian vessel sa bansa ay para sa gagawing replenishment at para makapag pahinga din ang mga crew.

Naniniwala ang Philippine Navy na ang pagdating ng Russian contingent sa bansa ay patunay na mayruong peace, stability at maritime cooperation sa rehiyon.

Siniguro naman ng Philippine Navy ang kanilang tulong at suporta sa kanilang Russian counterpart.

Rizal

Samantala, nagsagawa naman ng Passing Exercises ang frigate ng Philippine Navy ang BRP Jose Rizal at ang Japan Maritime Self-Defense Force ships.

Bumisita rin kasi sa bansa ang Japanese vessel na JS Kaga at JS Murasame.

Ginawa ang nasabing exercise sa kagaratan malapit sa Subic, Zambales.

Layon ng PASSEX Passing Exercise para ipractice anng kooperasyon at palakasin ang operational readiness ng Phil Navy at Japan Maritime Self-Defense Force.

Kabilang sa mga isinagawang drills ay manuevering exercise at photo exercise.

rizal4