-- Advertisements --
image 219

Nadagdagan ng limang respondents ang criminal complaints na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, limang pangalan ang napasama sa complaint na inihain ng NBI nitong Miyerkules kung saan tinukoy din bilang isa sa mga respondent si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Hindi pa inilalabas sa ngayon ang kopiya ng complaint.

Ang pagkakadawit ng limang iba pang respondents na hindi na tinukoy ay nananatiling hindi pa malinaw subalit nauna ng itinuro ng mga awtoridad si Cong. Teves bilang umano’y mastermind o utak sa likod ng krimen.

Kahapon din, inamin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng maantala ang paghahain ng murder complaints laban kay Teves matapos na maging tikom ang bibig ng mga tumestigong suspek nang biglaang magkaroon ang mga ito ng kani-kanilang mga abogado na binayaran umano ng isang maperang indibidwal.

Inaasahan din aniya ang pagbaliktad ng naunang salaysay ng mga ito subalit kumpiyansa pa rin si Remulla na sapat na ang mga testimoniyang una ng nakalap ng mga imbestigador para sa case build up.

Top