-- Advertisements --

Lumgpas na sa epidemic threshold ang kaso ng tigdas sa limang rehiyon sa Pilipinas.

Ito ay apat na beses na mas mataas kumpara sa naitalang mga kaso noong nakalipas na taon.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga rehiyon na ito ay sa Metro Manila, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol at Central Visayas.

Ang Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga kaso na sinundan ng Eastern Visayas na may 12 kaso ng tigdas.

Nakapagtala naman ng tig-7 kaso ng tigdas ang National Capital Region, Central Visayas at Northern Mindanao,.

Naiulat naman ang measles cluster sa Barangay Caranglaan sa Dagupan, Pangasinan at Barangay Balangasan sa Pagadian, Zamboanga del Sur.

Sa datos ng DOH nasa kabuuang 450 kaso ng tigdas ang naitala kung saan dalawang pasyente ang nasawi mula sa period noong January hanggang Sept. 17. Tumaas ito ng 153% kumpara sa 178 kaso na naiulat sa kaparehong period noong nakalipas na taon.

Una na ring nagpaalala si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa publiko laban sa posibilidad na outbreak ng tigdas sa susunod na taon dahil sa mababang bilang ng nagpapabakuna kontra sa tigdas.

Ito ay matapos na nasa 3 million bata ang hindi pa nakakatanggap ng anumang dose ng measles vaccine.

Muling paalala ng DOH official sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang anak kontra sa sakit dahil ito ay delikado lalo na sa mga bata edad limang taong gulang pababa.

Top