CENTRAL MINDANAO-Isinailalim sa 14 days localized lockdown ang limang purok sa dalawang barangay sa Makilala Cotabato.
Ayon sa ulat ng Makilala Inter-Agency Task Force na namasyal ang isang pasyente na nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa Purok Marang at Purok Rambutan ng Barangay Libertad at Purok 1,2 at 7 sa Brgy Jose Rizal sa bayan ng Makilala Cotabato.
Umaabot sa 100 kabahayan ang apektado sa 14 days localized lockdown sa dalawang Barangay sa Makilala Cotabato.
Inatasan ng Cotabato IATF ang mga miyembro ng BHERT na higpitan ang pagbabantay sa limang Purok,bawal ang lumabas at bawal din ang pumasok maliban lamang sa mga emergency cases.
Nagsagawa na rin ng contact tracing ang mga tauhan ng Makilala Municipal Epidemiology Surveillance Unit (MESU) at Kidapawan City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) sa mga close contact sa pasyente.