-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Iniimbestigahan na nang National Police Commission (Napolcom) Region 6 ang limang pulis kaugnay sa diumano’y pagkadawit sa hazing at pambubugbog sa bagitong pulis matapos maitalaga sa Provincial Mobile Unit ng Buruanga, Aklan.

Kinilala ni Atty. Joseph Celis, director ng NAPOLCOM Region 6 ang mga inakusahang sina Corp. Roque lurca, Corp. nambugbog sa nagrereklamong si Patrolman Romel Magsusi na personal na dumulog sa Napolcom.

Ayon kay Atty. Celis paglabag sa anti-hazing law ang kanilang ginawa sa kapwa pulis kahit naging tradisyon na ito sa mga pumapasok na bagong miyembro sa kanilang unit.

Pansamantalang inilipat ang limang pulis sa Public Safety Company sa Libacao, Aklan upang hindi maimpluwensiyahan ang ginagawang imbestigasyon.

Dagdag pa ni Atty. Celis sa oras na makitaan ng basehan ang report, magsasagawa sila ng pre-charge investigation o preliminary examination at evaluation sa complainant upang matukoy kung mayroong probable cause.