Mariing kinondena ng ilang foreign ministers ang desisyon ng Security Cabinet ng Israel na maglunsad ng malawakang military operation sa Gaza.
Kabilang dito ang mga ministro ng Australia, Germany, Italy, New Zealand at United Kingdom.
Sa isang joint statement, sinabi ng 5 foreign ministers na ang naturang plano na inanunsiyo ng gobyerno ng Israel ay nanganganib na malabag ang international humanitarian law.
Matatandaan, inaprubahan ng Security Cabinet ng Israel ang planong agawin ang kontrol sa Gaza City na nagpapatindi pa ng military operations sa napinsala ng Palestnian territory.
Ang planong ito ng Israel ay sa gitna ng hindi pa rin natatapos na labanan sa pagitan nila ng Hamas sa Gaza sa loob na ng halos dalawang taon mula noong Oktubre 7, 2023