DAVAO CITY – Nakalaya mula sa insurhensiya ang limang probinsya sa Davao Region.
Huling naideklarang “insurgency free” ang probinsya ng Davao Oriental.
Natatandaang naglunsad ng isang pagpupulong ang Provincial Peace and Order Council noong ika-19 ng Setyembre, taong kasalukuyan, kung saan inaprubahan ang isang resolusyon hinggil sa deklarasyon ng kasarinlan ng probinsya mula sa insurhensiya.
Ipinahayag din ni Capt. Mark Anthony Tito, tagapagsalita ng 10thID PA, na wala nang ibang natirang NPA Guerilla Front sa rehiyon matapos isinagawa ang isang intensive military operation at ang pag pagpapatupad ng whole of the nation approach against insurgency.
Samantala, kahit nakalaya na mula sa digmaan ang lahat ng mga probinsya sa rehiyon, hindi pa maituturing insurgency free ang Davao Region dahil wala pang inaaprubahang resolusyon ang Regional Peace and Order Council.
Aniya, malaking hamon ang pagpapanatili sa nakamit na tagumpay na ito ng hukbong kasundaluhan kaya minabuti nilang tumugon sa mga nangungunang proyekto at serbisyo sa mga mamamayan upang hindi na magagamit sa anumang uri ng panlilinlang ng kabilang grupo.