Patay ang limang tao, kabilang ang tatlong bata, sa isang suicide bombing na tumarget sa isang army school bus sa Balochistan, Pakistan.
Ayon sa mga awtoridad, higit 40 estudyante ang nakasaksi sa insidente at ilang iba pa ang nasugatan. Ang bus ay papunta sana sa isang army-run school nang maganap ang pagsabog.
Mariing kinondena ng Pakistan military at ng Prime Minister ng Pakistan na si Shehbaz Sharif, ang naturang pag-atake at inakusahan ang mga “Indian terror proxies” bilang mga responsable sa insidente.
Bilang tugon, iginiit ng India na wala silang kinalaman sa karumaldumal na pagpatay at tinawag itong isang taktika ng Pakistan upang ilihis ang atensyon mula sa kanilang sariling mga isyu.
Bilang hakbang, nag-expel ang India ng isang opisyal nito mula sa Pakistan High Commission sa New Delhi, at kasunod na nag-expel din ang Pakistan ng isang opisyal mula sa Indian High Commission sa Islamabad.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga may sala sa brutal na pag-atake.