(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-iwan na ng limang patay at isa naman ang sugatan matapos isilbi ng mga operatiba ng Lanao del Sur Provincial Police Office (LDSPPO) ang apat na warrant of arrest sa mga suspek na may kasong murder at umano’y kabilang sa mga combatants ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bahagi ng Barangay Ilian, Madamba, Lanao del Sur.

Sinabi ni LDS Provincial Police director Col. Lt. Madzghani Mukaram na kabilang sa namatay ay sina Usop Malubay Abdulaziz, Abdulaziz Macalatas Abombay, Zanodin Moro Macalatas Ameril, Alican Macabuntal @ Mkig Usman at Usman Barating Macabuntal.

Nananatili namang unidentified ang isa pang nahuli na kasama ng mga suspek nang manlaban sa operating team ng Philippine National Police (PNP).

Sa ngayon, inasahang bibigyan ni PNP Chief Oscar Albayalde ng parangal ang walong pulis na sugatan sa engkuwentro habang pinaghahanap na ang isang nawawalang operatiba.