-- Advertisements --

Binitay ng mga Hamas ang limang Palestinians sa Gaza.

Kabilang sa binitay nila ang dalawang Palestinians na kinasuhan ng pag-iispiya at iniuugnay sa Israel.

Habang ang tatlo ay binitay matapos sampahan ng kasong murder.

Ito na rin ang unang pagbitay na isinagawa sa Gaza sa loob ng mahigit na limang taon.

Ayon sa Ministry of Interior ng Gaza na nabigyan ng pagkakataon ang mga binitay ng kanilang karapatan para ipagtanggol ang kanilang sarili.