CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng tropa ng gobyerno ang nasa lima na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Cogon-Cogon,Barangay Manalog,Malaybalay City,Bukidnon.

Sa ipinaabot na mensahe ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Francisco Garello Jr sa Bombo Radyo,nagsagawa umano ang tropa ng 1st Special Forces Batallion at 8th IB,Philippine Army ng focused military operation ukol sa reliable information mula sa mga sibilyan dahilan na nabangga nila ang National Operations ommand ng CPP-NPA, KOMMID at Regional Operations Command, Headquarters Forces Neo, Regional Sentro De Gravidad Compaq at Guerilla Front 89 ng North Central Mindanao Regional Committee.

Inihayag ni Garello na matapos mapasok ng tropa ang nagsilbing hideout ng nasa 15 na kalaban ay nagkapalitan ng mga putok ng ilang minuto dahilan na lima ang umano’y nasawi.

Napilitan umanong napaatras ang mga rebelde kaya naiwan ang mga bangkay ng kanilang kasamahan at ang 12 high powere firearms mula sa encounter site.

Kabilang sa mga nakompiska ay ang 6 AK47 rifles, 2 M16 rifles, 3 M653 rifles,caliber .45 pistol at ibang kagamitan pandigma.

-- Advertisement --

Bagamat, walang naiulat na sugatan o nasawi mula sa panig ng gobyerno.

Magugunitang noong unang pangalawang linggo nitong buwan ay nasa lima rin na mga rebelde ang nasawi;14 na arestado at 16 na mga baril ang nabawi ng militar nang naka-engkuwentro nila ang katulad grupo sa mga bayan ng San Fernando,Talakag at Valencia City,Bukidnon.