-- Advertisements --
baleno

LEGAZPI CITY – Ihahatid na sa huling hantungan ang limang nasawi sa masaker sa isang pamilya sa Brgy. Tinapian, Baleno, Masbate bukas ng hapon, Setyembre 4.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Romeo dela Rosa, sinagot na ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa pagpapalibing sa mga biktima.

Maaalalang una nang umapela ng tulong ang kamag-anak ng mga namatay dahil hirap din sa buhay ang mga ito.

Inaasahang may mangilan-ngilang makikipaglibing lalo na ang mga patuloy na kumakalampag na agad na maibigay ang hustisya.

Tiniyak naman ng alkalde na nakaalalay ang pulisya sa pagbabantay upang matiyak na masusunod pa rin ang public health protocols bilang pag-iwas sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Samantala, handa si dela Rosa at asawa nito na kupkupin at papag-aralin ang 10-anyos na sole survivor sa masaker na ngayo’y ulila nang lubos.

Malungkot man umano at nakakabigla ang nangyari, binigyan-diin pa rin ni dela Rosa na isolated case lamang ito at nananatiling mapayapa sa nasasakupang bayan.