Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na umatras na sa kanilang petisyon para sa taas presyo ng kanilang mga produkto ang limang manufacturers.
Ayon kay DTI Undersecretary Kim Lokin, na ang limang ito ay mula sa kabuuang 29 na manufacturers na una nang naghayag na gustong magtaas ng presyo noon pang 2022.
Sinabi ni Lokin na kabilang sa mga nag withdraw ng kanilang taas presyong petisyon ay ang mga gumagawa ng de latang sardinas, canned meat at beef products, processed milk, sabon, detergent soap, at condiments.
Ipinunto ni Lokin na malaking dahilan sa pagbawi nila ng petisyon sa taas presyo ay ang inilabas na executive number 41 ng Malakanyang, o pagpapatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos jr sa mga lokal na pamahalaan sa paniningil sa tinatawag na pass through fees.
Dagdag pa ng opisyal nakita rin sa pag aaral na mas mataas ang presyo ng langis noong isang taon kumpara sa mga naitatala sa taong ito.
Dahil dito, nagpasya ang limang manufacturer na huwag na munang ituloy ang hirit nilang dagdag presyo.