Aabot sa limang mag-aaral ang patay sa naganap na pamamaril sa loob ng paaralan sa São Paulo, Brazil.

Kabilang sa napatay ang isang may edad na sa pamamaril sa Professor Raul Brasil state school sa Suzano.

Napatay ng mga kapulisan ang dalawang suspek na armado at nakasuot ng hood.

Labis na ikinalungkot ni São Paulo state governor João Doria ang nasabing insidente.