BAGUIO CITY – Nasa mabuti ng kalagayan ang limang kataong nasugatan sa vehicular traffic accident sa Lebong, Ambuklao, Bokod, Benguet.

Nakilala ang mga biktima na sina Melvin Cabanes Basatan, 25-anyos, Garry Bantolo Banchao, 38-anyos, Ongpin Carlos Cabanes 37-anyos, Narciso Beroso Basatan, 62-anyos at Orlando Wallas Cornelio, 65-anyos.

Batay sa report, nakasakay ang mga biktima sa isang trak na nanggaling sa Hilltop Ambuklao, Bokod, Benguet.

Habang binabaybay ng sasakyan ang kalsada ay nawalan ang driver ng kontrol sa manibela kaya’t nagdiretso ang sasakyan sa kabilang bahagi ng kalsada hanggang sa nahulog ito sa bangin na may lalim na 47 talampakan.

Agad namang nagresponde ang mga residente at naisugod ang mga biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center.