CENTRAL MINDANAO-Pormal ng sinampahan ng kaso ang lima ka tao na nagpakilalang mga kawani ng Media at nangikil sa mga sabungan sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga suspek na sina Dominador Turqueza Bancal,50 anyos, nagpakilalang station manager ng T -Radio FM Davao, Michael Abonales Peralta, 46, nagpakilalang Program Director, Darwin Aceberos Delen, 48, Pedro Jagoros PaƱa, 44 at Michael Sanao Naciongayo, 43 anyos na mga residente ng Davao City.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na noong nakalipas na linggo pa nag-inspeksyon ang mga suspek sa isang sabungan sa Brgy Gubatan Magpet North Cotabato.

Maliban sa kawani ng Media nagpakilala din ang mga suspek na mga tauhan ng Special Operation Group (SOG) ng Games and Amusement Board (GAB) base sa pinakita nilang ID.

Hinihingian umano ang may-ari ng sabungan ng P25,000 para sa kanilang permit at ID ng kanilang tauhan at babalik para kunin ang pera o bayad.

-- Advertisement --

Nagduda ang may ari ng sabungan at nagreport ito sa Magpet PNP sa pamumuno ni Major Jujie Barotas.

Sa imbestigasyon ng Regional Intelligence Division ng PRO 12 ay hindi konektado ang grupo ni Bancal sa Games and Amusement Board.

Agad nagkasa ng intrapment operation ang Magpet at RID-12 laban sa mga suspek.

Nang akto nang i-abot ng may-ari ng sabungan ang pera sa grupo ni Bancal ay doon na sila hinuli.

May ilang sabungan rin sa Kidapawan City ang nagkumpirma na maging sila ay nahingian rin at nakapagbigay ng 35 thousand pesos sa mga suspek.

Tinanggi din ng himpilan ng T-Radio FM na mga empleyado nila ang mga suspek at ginamit lamang ang kanilang ID sa iligal na gawain.

Ang mga suspek ay nakapiit sa costudial facility ng Magpet PNP at sinampahan na ng kaukulang kaso.