-- Advertisements --
Patay ang limang kasapi ng Japan Coast Guard Matapos na bumangga ang sinakyan nilang eroplano sa pampasaherong eroplano sa Haneda airport, Japan.
Dahil sa insidente ay nagliyab ang eroplano ng mga coastguard na nagresulta rin sa pagkasugat ng nasa 17 pasahero.
Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima.
Maghahatid lamang ng tulong ang mga kasapi ng coast guard sa mga biktima ng magnitude 7.6 na lindol ng mangyari ang aksidente.
Isinara ang runway ng Haneda airport kung saan maraming mga flights ang nakansela at naantala.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.