-- Advertisements --
nz tour bus 2

Bumaliktad ang isang tour bus na may lulang Chinese tourists sa New Zealand na naging sanhi ng pagkasawi ng limang Chinese nationals at dalawang sugatan.

Ayon kay Pol. Insp. Brent Crowe, may sakay na 27 turista ang nasabing tour bus na patungo sana sa lungsod ng Rotorua nang bigo nitong makita ang palikong daan.

Sumadsad umano ang naturang sasakyan sa kabilang bahagi ng kalsada.

Kinumpirma naman ni Crowe na walang ibang sasakyan ang nadamay sa aksidente ngunit mhinihinala ng mga ito na ang masamang panahon ang tunay na dahilan ng trahedya.

“High winds, fog and a lot of rain,” ani Crowe. “And the road surface was clearly wet and slippery.”

Naglabas naman ng pahayag si Liang Zhi, diplomat mula Chinese Embassy sa Wellington hinggil sa malagim na aksidente.

“Our embassy attaches great importance to the tragic incident,” saad ni Lhiang. “Our ambassador is on her way to Rotorua. Our embassy will make every effort to help the Chinese citizens who have died and been injured in the accident.”

Umaasa rin si Lhiang na magpapa-abot ng tulong ang mga opisyal ng New Zealand.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad kung mayroong seatbealts ang nasabing bus at kung suot din ito ng mga pasahero.