ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang monitoring ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) team ang Iloilo City Government sa lahat ng mga buntis sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, tagapagsalita ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na bawat linggo, nagsasagawa sila ng Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa mga buntis.

Sa ngayon ayon kay Conlu, may limang buntis sa lungsod na nagpositibo sa COVID-19 at nakatakda nang manganak.

Nagpaalala naman ang Iloilo City Government sa lahat ng mga buntis na iwasan ang paglabas sa mga bahay upang maiwasan na mahawa ng virus.