-- Advertisements --

Niyanig ng 5.9 magnitude ang bahagi ng southeast Australia na nag-iwan ng pinsala parikular sa mga gusali sa lungsod ng Melbourne.

Naramdaman ang pagyanig sa Mansfield na ‘di kalayuan sa Victorian state capital.

Tinamaan din ng pagyanig sa karatig na lugar sa South Australia at New South Wales.

Sinundan pa ito ng dalawang aftershocks na 4.0 at 3.1 magnitude.

Ayon kay Prime Minister Scott Morrison wala namang naitalang malubhang nasugatan sa insidente.

Bagamat ito na ang itinuturing na isa sa pinakamalawak na nangyaring pagyanig sa nakalipas na taon ay wala namang naitalang significant damage.

Ayon sa Geosciences Australia, may lalim na 10km o 6.5 miles.