BAGUIO CITY – Nasa 49 katao ang nahuli ng mga pulis dahil sa paglabag ng mga ito sa liquor ban na nagsimula eksakto 12:00 ng hatinggabi kahapon.

Ayon kay P/Maj. Carol Lacuata, public information officer ng Police Regional Office Cordillera, 47 sa mga ito ay nahuli sa Baguio City habang ang 2 iba pa ay nahuli sa Bontoc, Mountain Province.

Unang nahuli ang 42 katao sa magkaibang bar sa Magsaysay at Otek Street, Baguio City dakong 12:10 hating gabi ng May 12, 2019.

Nahuli naman ang 2 katao sa isang kainan sa Pakkil, Caluttit, Bontoc, Mt. Province dakong 10:20 ng gabi ng May 12 habang nahuli ang 5 pang katao sa Tapao, West Quirino Hill, Baguio City.

Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Omnibus Election Code, partikular na sa Liquor Ban.