Posibleng makaranas pa ng pagtaas at pagbaba sa singil ng kuryente sa Luzon.
Ito ay matapos na magsumite ng aplikasyon sa Energy Regulatory Commission ang 48 mga power distributors sa Luzon para sa automatic cost adjustment at true-up mechanisms para sa 2020-2022 period.
Alinsunod ito sa Resolution No. 14, Series of 2022 na naglalaman ng revised rules sa pamamahala sa automatic cost adjustment at true-up mechanisms para sa mga distribution utilities sa lalawigan.
Layunin nito na gawin pang mas malinaw ang collection ng pass-through costs at charges simula ngayong taon.
Ang mga pass-through na costs ay mga halagang kinokolekta ng mga DU para sa mga singil maliban pa sa Distribution Charge o ang pagbabayad para sa paggamit ng kanilang mga pasilidad.
Kinokolekta ng mga DU ang mga halagang ito mula sa mga electricity consumers at binabayaran ang mga generation companies o mga supplier ng kuryente para sa energy generated at ang system operator para sa paggamit ng mga transmission facilities.
Ayon sa ERC, ang naturang mga aplikasyon ay sasailalim sa kanilang masusing evaluation upang ivalidate ang mga recovery ng pass-through costs na ipapatupad ng mga distribution utilities.
Samantala, iniulat naman komisyon na sa kabila nito ay mayroon namang 20 distribution utilities ang hindi nagsumite ng kanilang mga aplikasyon.