-- Advertisements --
image 363

Naniniwala ang 46% ng mga Pilipino na gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.

Ito ay batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) .

Batay sa naturang survey, 46% ng mga natanong na indibidwal ang nagsabing gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa mga susunod na buwan habang 44% sa kanila ang nagsabing walang pagbabago.

Ang nalalabing porsyento ay hindi na nagbigay ng kanilang kasagutan.

Ang naturang resulta ay halos pareho lamang sa resulta ng survey na isinagawa rin ng SWS noong buwan ng Marso kung saan 45% ang nagsabing gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na 12 months habang 42% noon ang naniniwalang walang pagbabago.

Kabuuang 1,500 respondents ang tinanong sa naturang survey kung saan pinakamarami sa mga sumagot ng positibo ay mula balanced Luzon na may plus 44.

Sumunod dito ang Metro Manila na may plus 41; Visayas na may plus 39, habanga ang Mindanao ay may plus 36.

Ang margin of error ng naturang survey ay nasa plus or minus 2.5%.