Isiniwalat ng Social Weather Stations survey na 56 porsiyento ng mga nasa hustong gulang na Filipino SIM card owners ang nagparehistro na ng kanilang mga card sa buong bansa.
Habang ang natitirang kabuuang 44% naman ay hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang mga ginagamit na SIM cards.
Ang survey ay isinagawa isang buwan bago ang orihinal na deadline para sa pagsunod sa SIM Registration Act, na kilala rin bilang Republic Act No. 11934
Ayon sa resulta ng survey, ang Visayas ang may pinakamataas na rate ng pagpaparehistro ng SIM sa 64 porsiyento, sinundan ng Metro Manila na 62%, Luzon na may 55 % at Mindanao na 50%
Ang mga urban at rural na lugar ay nag-ulat ng 60 porsiyento at 51 porsiyentong pagpaparehistro, ayon sa pagkakabanggit, habang ito ay mula 51 porsiyento hanggang 61 porsiyento sa kabuuan ng edukasyon.