Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang buhay ngayong taon batay sa pinakabagong resulta ng Social Weather Stations survey na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 11 ng nakalipas na taon.
Mas mababa ito mula sa 48% na naitala sa isinagawang survey noong Setyembre 2023.
Nasa 44% din ng mga Pilipino ang nagsabing mananatiling pareho pa rin ang kalidad ng kanilang buhay at 5% naman ang naniniwalang lalala pa ito habang ang nalalabing 7% naman ay hindi nagbigay ng kanilang kasagutan.
Nagresulta naman ito sa net personal optimism score na +39 na iniuring SWS na “excellent”.
Iniugnay ng SWS ang 3 puntos na pagbaba sa national net personal optimism sa Balance Luzon at bahagyang pagbaba sa Visayas gayundin ang pinagsamang score sa Mindanao na steady o walang pagbabago at pagtaas ng bilang ng mga positibo ang pananaw sa Metro Manila.