CENTRAL MINDANAO – Deklaradong ligtas na sa pinagbabawal na droga ang 436 na barangay sa probinsya ng Cotabato.
Kasunod ito ng tuloy-tuloy na Barangay Drug Clearing Operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12).
Ito ang kinompirma ni PDEA-12 Regional Director Naravy Daquitan sa ginawang pagpupulong ng Provincial Oversight Committee at PDEA kasabay ang DOH, DILG, PNP at mga LGU sa North Cotabato.
Base sa datus, sa kabuuang 543 mga barangay sa lalawigan ng North Cotabato, 107 lamang dito ang hindi pa deklaradong drug-cleared o parehong moderately at slightly affected sa iligal na droga.
Dagdag ni Daquiatan na isinagawang pagpupulong ng PNP at PDEA, ilan sa mga natitirang drug-affected barangay sa North Cotabato ay inererekomenda na para sa deklarasyon ng drug-cleared matapos ang kanilang isinagwang validation at pagcomply sa mga kulang pang mga dokumento.
Hindi rin itinanggi ng opisyal na ang North Cotabato ang may pinakaraming bilang ng drug-affected areas dahil ito rin ang lalawigan na may pinakamaraming barangay sa buong SOCKSARGEN.
Sinabi ni Daquiatan na patuloy ngayon ang monitoring ng ahensiya katuwang ang PNP dahil may namomonitor silang mga newly identified drug users.
Nilinaw ng opisyal na nasa 1,000 na sa buong rehiyon ang deklarang drug cleared habang nasa mahigit 200 pa rin ang drug-affected.