-- Advertisements --

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga rebeldeng nanunutralisa ng kasundaluhan, Ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ang inihayag ng Hukbong Sandatahan kasunod ng pagkanutralisa sa aabot sa 422 miyembro at tagasuporta ng New People’s Army sa nang quarter ng taong 2024.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla , mula sa naturang bilang ay nasa 234 ang mga sumukong rebelde, 33 ang napatay sa engkwentro laban sa militar, habang 15 naman ang arestado.

Bukod ay aabot din sa 221 na matataas na kalibre ng armas at 71 anti-personnel mines ang narekober ng kasundaluhan mula sa mga teroristang komunista sa 56 na mga kampo nitong nakubkob na.

Samantala, kaugnay nito ay muling tiniyak ni Col. Padilla ang mandatong ni AFP na tugusin ang lahat ng mga natitira ng rebel de sa bansa, alinsunod na rin sa naging direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.