-- Advertisements --

Hindi bababa sa 42 katao ang namatay at halos 100 iba pa ang naospital sa kanlurang India matapos uminom ng nakakalason na alak.

Dose-dosenang mga tao ang nagkasakit pagkatapos uminom ng methanol — isang nakalalasong anyo ng alkohol na minsan ay ginagamit bilang isang antifreeze — na ibinebenta sa ilang mga nayon sa buong estado ng Gujarat.

Sinabi ng mataas na opisyal ng pulisya na si Ashok Yadav sa AFP na 31 katao na ang namatay sa distrito ng Botad.

Aabot din sa 11 katao ang namatay sa kalapit na distrito ng Ahmedabad.

Inihayag din ni Home Affairs Minister Harsh Sanghavi na nasa 97 katao ang dinala sa hospita para sa treatment.