-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Umabot sa 400 na overseas Filipino workers (OFWs) sa Macau Airport ang nawalan ng trabaho dahil hanggang ngayon wala pang direct flights sa Macau.

Ito ang sinabi ni Bombo International Correspondent Apipa Ching, na matagal ng nagtatrabaho sa Macau, China na taga Barangay Labangal Gensan.

Ayon kay Ching, ang China pa lamang ang pinapapasok sa Macau subalit wala pa ring ferry galing HongKong ang pinapayagang makabiyahe.

Non-operational pa rin ang airport dahil wala pang direct flights galing sa iba’t ibang bansa kaya natanggal ang daan-daang OFWs na nagtatrabaho sa airport.

Ikinatuwa naman ngibang OFWs na naninirahan sa Macau dahil tatlong buwan silang libre sa upa na matatapos ngayong buwan ng Hunyo.

Samantala, bukas na ang iilang mga establisyemento sa Macau subalit mahigpit ang pagpatupad sa mandatory facemask para hindi na magkaroon ng second wave sa naturang lugar.